kausap. Kalmadong tumayo ito at sinabing sumunod si Joseph rito sa pagmamaneho nito papunta sa mansion ni Geron. Natuwa naman kaagad si Joseph at sumakay sa sarili nitong sasakyan. Sinundan niya ang daan na binabaybay ng sasakyan ni Gimena. Matapos ang ilang sandali ay natanaw na ni Joseph ang mansion ni Geron. Nang bumaba na si Gimena sa sarili nitong sasakyan sa labas ng malaking gate nina Geron ay napagtanto ni Joseph na iyon na ang mansiong hinahanap nito. Kaagad itong bumaba at linapitan ang nakatayong si Gimena sa labas ng gate nina Geron.
"Ito na ang mansiong hinahahanap ko hindi ba, ito ang mansion ng bayaw ni Cristinang si Geron?" tanong ni Joseph kay Gimena.
"Oo Joseph, ito na nga ang mansion ni Geron," sagot