kaagad nito rito. "Halika pasok tayo sa loob, kakilala ako ni Geron kaya pwede kang sumama sa akin sa loob. Matapos kumatok ni Gimena sa malaking gate nina Geron ay kaagad na may lumapit na katulong at pinagbuksan sila. Atubili ang katulong na papasukin si Gimena, subalit kaagad namang pumasok ng huli sa loob kaya sumunod na rin rito si Joseph.
Naglakad ang dalawa at naiwang iiling-iling sa nakabukas na gate ang katulong ng nag-aalang katulong ni Geron, nararamdaman nitong may masamang binabalak si Gimena. Ilang sandali lang ay nakita ni Gimena si Geron na masayang nakaakbay kay Cristina na nagkukunwaring si Christine. Nakaupo ang dalawa sa harap ng pabilog na puting lamesa at kasalukuyang nag-memerienda. Naririnig pa ni Gimena ang tawanan ng dalawa. Kaya tumalikod kaagad si Gimena at