kinausap si Joseph.
"O Joseph ano pang hinihintay mo tawagin mo na ang pinakamamahal mong si Cristina, ayon o," nakangising sabi nito kay Joseph.
Kaya tinawag naman kaagad ni Joseph ang nakatalikod sa kanilang si Cristina mula sa kinatatayuan nito. "Cristina!"
Lumingon kaagad si Cristina. Liningon ni Cristina ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nagulantang si Cristina sa kung sino ang nakita nito. Napansin din nitong nakakunot ang noo ni Geron na pinagmamasdan ito. Na tila nagtataka kung bakit tinawag ng lalaking nakita niya ng Cristina ang inaakala niyang si Christine. Kaagad na tumayo at naglakad papalapit kina Gimena at Joseph si Cristina. Nag-aala ito ng husto at baka malaman ni Geron na nagkukunwari lang itong