si Christine dahil ang katotohanan ay ito si Cristina. Mabilis nitong nilapitan pa ang dalawa subalit kaagad ring sumunod ang nagtatakang si Geron. Subalit bago pa man makapagsalita si Cristina ay inunahan na kaagad ito ni Gimena. Nakangiti itong nagsalita, "O Cristina kasama ko ang manliligaw mong si Joseph, ikaw ha hindi mo sinasabi sa aking napakapogi at napakakisig naman pala nitong manliligaw mo. Nakakainggit ka naman Cristina ang daming lalaking nagkakagusto sa iyo..."
        Hindi na nakapagsalita pa ng tunay na Cristina sa narinig mula kay Gimena. Naramdaman na lang nito ang kamay ni Geron na mahigpit na humawak sa kanang braso nito. Iniharap ni Geron si Cristina sa kanya.