May luhang namuo sa mga mata ni Geron, nangiginig ang mga bagang na tinanong si Cristina. "Ano ang ibig sabihin nito Christine....?" tanong niya rito. "Ikaw ba si Christine o si Cristina?"
Nakita ni Cristina ang pagkagimbal sa mga mata ni Geron. Nakatitig ang mga mata niya rito at waring hinihintay na lang na magsabi ito ng katotohanan.
Nagsisimula na ring lumuha si Cristina, nagsalita ito, "Magpapaliwanag ako Geron..."
"Anong ipapaliwanag mo... totoo ang sinasabi ni Gimena kung ganoon, ikaw si Cristina at hindi si Christine," lalong nagimbal na pahayag ni Geron. "Ang pinakasalan ko ay si Christine at hindi ang tunay na si Cristina..."
"Patawarin mo ako Geron, kung naglihim ako sa iyo,