pero hayaan mo akong magpaliwanag, pakinggan mo ako pakiusap..." pagsusumamo ng tunay na Cristina kay Geron.
        "Ano pang ipapaliwanag mo ha Cristina, linoko niyo akong dalawang magkapatid. Pinaniwala niyo ako sa isang malaking kasinungalingan. Paano niyo nagawa sa akin ito?" nanginginig ang mga bagang na tanong ni Geron  sa totoong Cristina.
        Sumabat naman kaagad si Gimena. "O ayan Cristina bistado ka na, o ano pang hinihintay mo umalis kana. Tingnan mo o kanina ka pa hinihintay ng masugid mong manliligaw na si Joseph."
        "Geron magpapaliwanag ako, pakinggan mo ako pakiusap," muling pagsusumamo ni Cristina kay Geron subalit tinalikuran ni Geron si Cristina at galit na galit na