pumasok sa loob ng malaking mansion. Bago pa makarating sa malaking pintuan ng mansion ang humahagulhol na si Cristina ay naisara na ni Geron ito. Kumatok ng kumatok si Cristina at tinawag ng paulit-ulit ang pangalan ni Geron. Subalit hindi niya ito sinagot. Narinig pa ni Cristina ang pakiusap ni Alfred sa ama sa loob ng mansion na pagbuksan si Cristina subalit ang narinig ni Cristina ay ang galit na galit na pagtanggi ni Geron sa anak. Tinawag ng tinawag ni Cristina si Geron para labasin at kausapin siya subalit hindi siya sumagot rito. Maging ang boses ng pamangkin nitong si Alfred ay hindi na rin nito naririnig. Luhaang bumagsak paluhod si Cristina sa harapan ng malaking pintuan ng mansion ni Geron. Tuloy-tuloy ang daloy ng mga luha mula sa naghihinagpis na mga mata nito. Naramdaman na lang ni