"Tayo na Cristina," usal nito na nakatitig sa luhaan nitong mga mata. "Tayo na..."
Humihikbing lumingong muli si Cristina sa pintuan ng mansion ni Geron. Niyakap ng bahagya ni Joseph si Cristina pagkatapos ay inakay papunta sa sasakyan nito. Luhaang nilakad ni Cristina ang buong hardin ng mansion ni Geron. At ng marating na nila ang sasakyan ni Joseph ay pinasakay ito nito. Wala pa ring tigil sa pagpatak ang mga luha ng labis na nasasaktang si Cristina, nang muli itong sumulyap sa malaking mansion ni Geron ay nakita pa nito ang nakatawang si Gimena na nanunuya rito, sa sinapit nito sa araw na iyon.