Chapter 10

      MULA sa kinatatayuan ni Geron sa loob ng kaniyang malaking mansion ay narinig niya ang tunog ng papaalis na sasakyan ni Joseph. Kaagad siyang natigilan. Napupuno pa rin ng poot at sakit ang dibdib niya sa natuklasan niya sa araw na iyon. Subalit gaano man kalaki ang galit at poot na nararamdaman niya para sa totoong Cristina ay batid niyang ayaw pa rin niyang mawala ito sa paningin niya. Nagmadali siyang lumakad palabas ng pintuan ng malaking mansion at kaagad tinungo ang kanyang nakaparadang sasakyan. Pagkasakay niya ay kaagad niya itong pinatakbo nang mabilis. Kaagad niyang nalampasan ang kanilang gate. Lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan at makalipas lang ang ilang sandali ay natanaw na niya ang