kotse kung saan nakasakay si Cristina. Kaagad niyang hinabol ang sasakyan ni Joseph. At nang malampasan na niya ito ay kaagad niyang iniharang sa daraanan nito ang sarili niyang sasakyan. Napilitang apakan ni Joseph ang break ng sasakyan nito. Kaagad namang binuksan ni Geron ang pintuan ng sasakyan niya at bumaba mula rito. Kaagad niyang tinungo ang nakatigil ng sasakyan ni Joseph sa gitna ng kahabaan ng kalsada. Nagkatitigan sila ni Cristina. Kinatok ni Geron ang pintuan kung saan malapit na nakaupo si Cristina. Sinubukan kaagad ni Geron na buksan ang pintuan malapit kay Cristina. Kaya kahit atubili ay napilitan si Cristinang pagbuksan siya ng pintuan. At ng tuluyan nang nabuksan ang pintuan ng kotse ay kaagad na hinarap ni Geron si Cristina.
"Bumaba ka riyan, baba!" malakas na sigaw at mando ni