Geron sa nagulat at nakatingala sa kanyang si Cristina mula sa loob ng sasakyan ni Joseph.
Nag-init ang ulo ni Joseph sa ginawa at narinig nito mula kay Geron kaya umakma itong baba ng sariling sasakyan upang harapin siya. Subalit kaagad itong sinaway at pinigilan ni Cristina.
"Cristina nakapangako ka na sa aking sasama ka na sa akin pabalik ng Maynila," pagpapaalala ni Joseph kay Cristina.
Narinig iyon ni Geron kaya nagpanting ang teynga niya. "Totoo bang nakapangako ka na sa lalaking iyan na sasama ka sa kanya sa Maynila ha Cristina?" galit na tanong ni Geron kay Cristina.
"Oo Geron, nakapangako na akong sasama na lang kay