Joseph pabalik ng Maynila..." malumanay na sagot ni Cristina kay Geron.
       "Wala akong pakialam, problema mo iyan, basta inuutusan kitang tumayo riyan at bumaba, tumayo ka na riyan, tayo!" mas malakas at muling mando ni Geron.
       Walang nagawa si Joseph ng makita nitong tumayo si Cristina at bumaba ng sasakyan nito. Atubili man ay sinubukan ni Cristinang kausapin si Geron. 
       "Ayaw mo bang mawala ako sa iyo Geron ha, mahal mo pa rin ba ako, hindi ka na ba galit sa akin ha?" tanong ni Cristina sa kaharap nitong si Geron sa labas at gilid ng nakatigil na sasakyan ni Joseph. 
      "Ano sa tingin mo!" mabilis at malakas na sagot ni Geron kay Cristina. Nasalamin ni Cristina ang galit at poot ni Geron sa mga mata niya kaya iniyuko na lang nito ang ulo nito at