hinintay kung ano ang susunod na gagawin ni Geron. Kaagad nitong naramdaman ang kamay ni Geron sa kamay nito. Mahigpit ang pagkakahawak noon sa kamay nito. Naramdaman ni Cristina na hinahatak ito ni Geron pasunod sa kanya. Subalit kaagad ding binitawan ni Geron ang kanang palad nito. "Sumunod ka sa akin..." muling mando ni Geron kay Cristina.
         Sumunod naman si Cristina kay Geron papunta sa sasakyan niya. Kaagad na pumasok si Geron sa harapan ng kanyang nakabukas na sasakyan. Pagkaupo niya sa may driver's seat ay kaagad niyang binuksan ang pintuan sa likuran ng sasakyan niya. "Pumasok ka na Cristina..." muling mando na naman ni Geron kay Cristina. Pumasok si Cristina at umupo sa mismong likuran ni Geron subalit sinaway niya