ito. "Diyan ka sa may bandang kanan maupo Cristina." Kaya umisod si Cristina pakanan at lumipat malapit sa kanang bintana ng sasakyan ni Geron. Mula roon ay kitang-kita nito ang mukha ni Geron. Nararamdaman ni Cristina ang galit ni Geron para rito. Nasasaktan si Cristina sa nakita nito sa mukha ni Geron subalit nagpasalamat pa rin ito na kahit papano'y hindi pa rin ito mawawalay sa piling ni Geron. Inakala nitong iyon na ang araw na huli nitong makikita pa si Geron. Napansin ni Geron ang panandaliang pananahimik ni Cristina sa likuran at bandang kanan niya. "Sasama ka talaga sa lalaking iyon ha..." usal niya mula sa kinauupuan niya. Nangiti nang bahagya si Cristina sa narinig mula kay Geron ipinagpalagay kaagad nito na nagseselos ito kay Joseph. Subalit kaagad na binawi ni Geron ang munting ngiting iyon sa mga labi ni Cristina.