"Hindi mo pa napagbabayaran ang mga kasalanan mo sa akin Cristina, kaya hindi ka pa maaring umalis."
        Natahimik si Cristina sa narinig nito mula kay Geron sa loob ng sasakyan niyang patuloy na binabaybay ang daan pabalik sa malaking mansion. Liningon ni Geron si Cristina mula sa kinauupuan niya sa front seat at pagkatapos ay muling itinuon ang pansin sa harapan ng sasakyan niya. Pagkatapos ng ilang sandali ay narating nang muli ng sasakyan ni Geron ang mansion. Kaagad na ipinasok ni Geron ang sasakyan sa gate at binabay ang daan gilid ng malawak na hardin. Pagkatapat ng sasakyan sa may pintuan ay kaagad niyang binuksan ang pintuan at inutusan si Cristinang sumunod sa kanya. Sumalubong naman kaagad ang batang si Alfred. Tuwang-tuwa ito sa muling pagbabalik ng ama