kasama ang pinakamamahal nitong tita.
"Tita Christine!" tawag ng bata kay Cristina dahil hindi pa rin nito batid na ang totoong pangalan ng tita nito ay Cristina at ang pangalan naman ng totoong mama niya ay Christine. Nang tuluyan na itong makalapit sa dalawa ay niyakap nito si Cristina. Yumakap rin pabalik si Cristina sa bata.
"Sigi na Alfred, umakyat ka na muna sa itaas at may pag-uusapan pa kami ni Tita Cris... Christine mo," sagot ni Geron sa anak niyang si Alfred.
"Hindi na aalis sa bahay natin si Tita Christine, hindi ba papa?" muling tanong ng bata sa amang si Geron.
"Oo anak, hindi na aalis ang Tita Christine mo," kalmadong sagot ni Geron sa anak.
Ngumiti kaagad ang bata sa narinig pagkatapos ay