sumunod na ito sa utos ng ama at nagsimulang umakyat sa hagdanan at tinungo ang sariling kwarto nito. Nang tuluyan ng mawala sa paningin nila si Alfred ay tumalikod si Geron at pinagmasdan si Cristina na nakatingin sa kanya. Iniyuko ni Cristina ang ulo nito. Hindi nito makayang salubungin ang tingin ni Geron rito bagaman kalmado na ang mukha niya ay nararamdaman pa rin ni Cristina ang galit na namumuo sa dibdib niya.
         Umupo sa may sofa si Geron sa salang kinaroroonan nilang pareho ni Cristina. Kinuha niya ang bote ng alak naiwanan niya noong isang araw sa maliit na mesa sa kanang bahagi ng mahaba at eleganteng sofa. Binuksan niya ito at naglagay ng alak sa isang baso. Uminom si Geron. Nakatayo lang na nakatungo si Cristina sa gitna ng sala ni Geron.