Patuloy lang si Geron sa ginagawang pag-inom ng alak habang pinagmamasdan si Cristina sa harapan niya. Ilang sandali pa'y tumigil na si Geron sa pag-inom ng alak at tumayo. Iniwanan niya si Cristina sa gitna ng sala at nagtuloy sa pag-akyat ng hagdanan patungo sa kwarto niya. Iniwanan niyang hindi man lang kinakausap muli si Cristina. Nang tuluyan ng makaalis si Geron ay napahagulhol muli si Cristina. Napaupo ito sa may sofa at doon tahimik na tumangis. Matapos ang ilang sandali ay nagpasya itong umakyat na rin sa sariling kwarto. Pagkapasok nito sa kwarto ay dahan-dahan itong naupo sa ulohan ng kama nito at doon muling humagolhol.