Chapter 11
SA SUMUNOD na araw ay bahagyang gumaan na rin ang pakiramdam ni Cristina. Bahagyang umaasa na bibigyan siya ng pagkakataon ni Geron na makapagpaliwanag at ng muli silang magkaintindihan at magkabalikan. Naligo siya at kaagad na nagbihis. Subalit pagkalabas na pagkalabas niya ng pintuan ay nakita niya si Gimena na patungo sa kwarto ni Geron. Nilingon siya nito at nginitian. "Hi Cristina," bati nito sa kanya pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalakad at ng marating na nito ang pintuan ni Geron ay kaagad na kumatok.