"Geron, si Gimena 'to, maari ba akong pumasok sa kwarto mo ha?" tanong nito at pagkatapos ay muling nilingon ang nakatingin ritong si Cristina.
"Oo Gimena, bukas iyan, pumasok ka na lang," sagot ni Geron mula sa loob ng sariling kwarto nito sa loob ng malaking mansion. Narinig iyon ni Cristina. Sumikip kaagad ang dibdib niya. Hindi niya matagalan ang sakit na makitang pumapasok si Gimena sa kwarto ni Geron, sa kwarto ng lalaking pinakamamahal niya. Nang tuluyan ng makapasok ni Gimena at muling maisara ang pintuan ng kwarto ni Geron ay tuluyan ng dumaloy ang mga luha sa nasasaktan at labis