na naninibughong si Cristina. Hindi malaman ni Cristina ang gagawin. Susunod ba siya sa loob ng kwarto ni Geron, nagtatalo ang isipan niya. Nawala na ang tapang at lakas ng loob niya kagaya noong binawi niya si Geron sa kwarto ni Gimena sa loob ng malaking mansion nito. Napako si Cristina sa kinatatayuan niya at patuloy na pinagmamasdan ang nakasarang pintuan ng kwarto ni Geron. Naririnig pa niya ang mga tawa at halakhak ni Gimena na waring masayang-masaya at maligaya sa piling ni Geron sa loob ng malaking kwarto nito. Taas baba ang dibdib ni Cristina sa patuloy na pagluha niya mula sa kinatatayuan. Pilit na tinatagan ni Cristina ang loob niya at nang magawa na niya ito ay naglakad siya patungo sa pintuan ng kwarto ni Geron. Pagkarating niya ay tumigil siya sandali sa harapan nito at