kumatok. "Geron..." tawag niya rito. Hindi ito sumagot kaya muli niya itong kinatok at tinawag. "Geron..." Hindi pa rin ito sumagot mula sa loob. Napansin niyang hindi nakakandado ng pintuan ng kwarto ni Geron. Huminga siya nang malalim at marahang itinulak ang pintuan para mabuksan iyon. Nabuksan niya ito. Nakita niya si Geron na nakahiga sa kama nito at nakaupo naman sa gilid ng kama nito si Gimena at nakatingin sa kanya. Tila tinutuya siya nito at iniinis. Sinubukan pa ni Gimena na haplosin ang kanang pisngi ni Geron sa harapan mismo ni Cristina subalit kaagad itong pinigilan ni Geron. Hinawakan ni Geron ang palad nito at inilayo sa mukha nito. Natawa si Cristina sa nakita niya. Napansin niyang napahiya ito subalit kaagad ring binura ni Cristina ang ngiti sa mukha niya at muling tiningnan si