Geron. "Geron..." muling tawag niya rito na nakatayo malapit sa nakabukas na pintuan.
             "Bakit...?" kalmadong tanong ni Geron kay Cristina mula sa kamang kinahihigaan nito.
             "Manananghalian na tayo, naghihintay na sa baba si Alfred," pahayag ni Cristina. 
              "Sigi mauna ka na at susunod na lang kami ni Gimena," sagot naman nito at pinagmasdan ang ekspresyon ng mukha niya.
               Naipikit ni Cristina ang mga mata sa narinig. Pinilit niyang huminahon sa kabila noon. "Halika na Geron bumaba ka at nang makapanghalian na tayo kasama ni Alfred, " pahayag ni Cristina at tiningnan ng tuwid si Geron. Tiningnan