din siya ng derecho ni Geron sa mata. Nangiti ito ng bahagya dahil nahimigan nito ang tapang niya na tila ayaw pa ring magpatalo kay Gimena sa kabila ng kasalukuyan nilang sitwasyon gayong batid naman nitong naninibugho si Cristina. Kaya tumayo na lang si Geron at sumunod paglabas ni Cristina. Napilitan na ring tumayo ni Gimena at sumunod kay Geron pababa ng komedor. Pagkarating nina Geron sa komedor ay kaagad itong naupo sa mesa malapit kay Alfred. Si Gimena namang sumunod kay Geron ay sinubukang umupo sa tabi ni Geron. Nakatitig lang si Cristina kina Geron at Gimena na magkatabing nakaupo sa mesa. Napansin ni Alfred ang ginawang pagtabi ni Gimena sa ama. Sinulyapan sandali ni Alfred si Cristina.