"Tita Gimena, huwag ka diyan maupo sa tabi ni papa, tingnan mo o nagtatampo na kay papa si Tita Christine," sabi ng bata kay Gimena.
"Hayaan mo na lang si Gimena diyan sa tabi ng papa mo Alfred, tayo na lang ang magtabi. Nami-miss na kasi kita eh. Hindi na tayo masyadong nagkakasama at nagkakakwentuhan.
"Oo nga ano," sabi lang ni Alfred habang patuloy na ngumuya ng masarap na tanghalian nila.
Kumain na rin sina Geron, Gimena, at Cristina. Ilang sandali lang ay muling nagsalita si Alfred. "Tita Christine, sino ba iyong lalaking nakita ko mula sa bintana ng kwarto ko noong isang araw ha?"