"Oo nga Cristina, este Christine, sino ba iyong lalaking nakita ni Alfred ha?" sabat at tanong naman ni Gimena.
        "Babalik pa ba iyon dito ha?" tanong muli ng bata kay Cristina.
        "Si Joseph iyon, at hindi ko alam kong babalik pa siyang muli rito, baka siguro... hindi ko talaga sigurado," sagot ni Cristina sa bata. Napansin ni Cristinang nakatitig sa kanya si Geron habang kinakausap niya ang bata. Pagkatapos noon ay muli na silang nagpatuloy sa pagkain at ilang sandali lang ay natapos na sila. Pinauwi na rin ni Geron si Gimena kahit nagpupumilit itong manatili pa ng mga ilang sandali roon para makasama pa si Geron.