Chapter 12

       GABI na at hindi na naman makatulog si Geron. Batid niyang tulog na ang anak niyang si Alfred. Nagpasya siyang bumangon mula sa kanyang kama. Pagkatayo niya ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa may pintuan ng kanyang kwarto. Pinihit niya ang seradura at binuksan ito. Pagkalabas niya ay maingat niyang isinara itong muli. Naglakad siya ng marahan sa pasilyo sa tabi ng hilira ng mga kwarto. Ayaw niyang magising ang anak niya habang dumaraan siya sa tabi ng kwarto nito. Napansin niyang patay na ang ilaw ng kwarto ni Cristina kaya ipinagpalagay ni Geron na natutulog na rin ito. Tumigil siya sandali sa pintuan nito pagkatapos ay