muling naglakad papunta sa may hagdanan. Napansin niyang nakabukas ang ilaw sa ibaba ng mansion niya. Tahimik pa rin siyang nagpatuloy sa paglalakad at ng nasa tapat na siya mismo ng hagdanan ay nakita niya si Cristina, nakatalikod ito at nakatingala sa isang dingding ng kanyang bahay. Pinagmamasdan ang isang mamahaling oil painting na nakasabit roon. Nanuyo ang lalamunan ni Geron, muling nanumbalik sa alaala niya ang tagpo kung saan una silang nagkita ng tunay na Cristina. Kinontrol niya ang emosyong nadarama niya sa mga sandaling iyon. Subalit kusang