dinadala siya ng kanyang sariling mga paa. Naramdaman na lang niyang dahan-dahan siyang bumababa ng hagdanan palapit sa napakaganda at lubhang nakakaakit na si Cristina. Huminga siya nang malalim ng makababa na. Nagdesisyon si Geron. Tumuloy siya sa paglalakad palapit sa nakatalikod pa rin sa kanyang si Cristina. Ilang maingat at tahimik na mga hakbang lang ay nasa likuran na siya ni Cristina na patuloy pa ring nakatayo at nakatunghay sa napagandang obrang nakasabit sa dingding ng mansion ni Geron. Halos magkadikit na ang katawan nilang dalawa mula sa kinatatayuan ni Geron sa likuran ni Cristina. Naramdaman ni Cristina na may nakatayo sa likuran nito. Ipinikit nito ang mga mata. Batid nito ang nangyayari. Muli ring nanumbalik sa alaala nito ang tagpo kung saan una silang nagkita ni Geron. Dumadagundong ang dibdib nito sa