kaba. Tumalikod si Cristina at hinarap si Geron sa likuran nito. Nagkadikit na ng tuluyan ang mga katawan nila. At kagaya ng una silang magkitang dalawa ay hindi napigilan ni Geron ang sarili. Bumaba ang ulo niya at inabot ang mga labi ni Cristina. Naglapat ang kanilang mga labi. Wala ng sali-salita, niyakap ni Geron si Cristina at patuloy na hinalikan sa mapupulang mga labi nito. Yumakap na rin si Cristina kay Geron at gumanti sa maalab na mga halik niya. Matagal na hinalikan ni Geron si Cristina sa unang palapag ng mansion niya. Kumalas si Cristina mula sa mga labi ni Geron at sinubukang magsalita para kausapin siya. Gusto nitong magkaliwanagan sila at ng maunawaan ni Geron na hindi nito ginusto ang mga nangyari sa kanilang dalawa. Hindi nito