ginustong mapunta ito sa kakambal nitong si Christine. Batid ni Geron na gustong magpaliwanag sa kanya ni Cristina. Subalit hindi na niya ito hinayaang magsalita pa. Muling bumaba ang mga labi ni Geron sa mapupula at malambot na mga labi ni Cristina. Wala ng nagawa si Cristina kundi ang magpaubaya at tanggapin ng buong-buo ang mga halik nito. Itinalikod ni Geron si Cristina sa kanya at hinalikan sa maputing batok nito. Napapikit si Cristina. Pagkatapos ay gumapang ang mga halik ni Geron. He nibbled on her earlobes. Lalo pang napapikit si Cristina sa nadarama nitong kaligayahan sa mga halik ni Geron. Naramdaman ni Cristinang huminga ng malalim si Geron pagkatapos ay tumigil sa paghalik rito. Subalit tumigil man si Geron sa paghalik kay Cristina ay nanatiling magkadikit ang kanilang