mga katawan. Yakap-yakap pa rin ni Geron sa mga bisig niya ang nakatalikod sa kanyang si Cristna. "Kalimutan na natin ang mga nangyari. Mag-umpisa ulit tayo gaya ng dati, gaya ng una tayong nagkakilala. Napuno ng kaligayahan ang puso ni Cristina sa narinig mula kay Geron, sa lalaking pinakamamahal nito. Kumalas ito sa pagkakayakap ni Geron at humarap rito. Tumingala ito sandali upang mapagmasdan ang mukha nito pagkatapos ay yumakap ito kay Geron at isinubsob ang ulo sa dibdib niya. Lalo pang hinigpitan ni Geron ang pagyakap niya kay Cristina. Nararamdaman niyang tunay ang pagmamahal ni Cristina para sa kanya at maging siya'y gano'n rin dito.
"Mahal na mahal kita Cristina at ayoko ng mawala ka pa sa akin sa kahit anong kadahilanan pa," pahayag ni Geron