na yakap-yakap pa rin sa mga bisig si Cristina.
"Ganon din ako Geron, mahal na mahal rin kita at ayoko na ring mawala ka pa sa akin," punong-puno ng pagmamahal na sagot ni Cristina kay Geron.
Bumabang muli ang mga labi ni Geron at hinalikan ang mga labi ni Cristina. Tumigil rin kaagad si Geron sa paghalik rito at muling pinagmasdan ang napakagandang mukha ni Cristina. Napabuga siya ng hangin at nakangiting napailing. "Halika na Cristina ihahatid na kita sa kwarto mo."
Ngumiti lang si Cristina kay Geron. Hinawakan ni Geron ang palad ni Cristina at nagsimulang maglakad papuntang hagdanan. Lumingon si Geron sandali kay Cristina. Nagbago ang isip ni Geron. Binitawan niya ang isang palad nito, umisod ng bahagya at kinarga sa mga bisig niya si Cristina.