Nakangiting nakayuko si Gerong pinagmamasdan ang mukha ni Cristinang nakatingin sa kanya mula sa kanyang mga bisig. Kinindatan niya ito na tila may ibig ipahiwatig rito. Ngumisi lang si Cristina. Naramdaman na lang nitong dahan-dahang inaakyat ni Geron ang kahabaan ng hagdanan. Hindi inaalis ni Geron ang mga titig niya kay Cristina habang patuloy siyang umaakyat pataas ng pataas ng hagdanan. Ng tuluyan ng makaakyat si Geron ay yumuko ito at inabot ang mga labi ni Cristina. Hinalikan niya itong muli. Pagkatapos ay muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Napangisi si Geron ng madaanan nila ang kwarto ng anak, sinubukan niyang huwag makalikha ng ingay para hindi ito magising. At hindi nga nagising si Alfred kaya lalong napangiti si Geron. Nababasa ni Cristina ang nasa isip ni Geron kaya mula sa mga bisig niya