ay nagsalita itong muli.
"Ang usapan ay ihahatid mo ako sa kwarto ko Geron, hindi ba..." nakangising sabi nito kay Geron.
"Ha ganoon ba ang usapan natin kanina, sigurado ka...?" tanong ni Gerong nakatitig sa mga labi ni Cristina.
"Oo," sagot lang ni Cristina mula sa mga bisig ni Geron.
"Sayang nagkamali ako ng nabitawang salita, di bale sa susunod aayusin ko na..." pilyong sagot niya rito. Ngumisi lang si Cristina sa sagot ni Geron rito. Kaya muling naglakad si Geron at ng marating niya ang kwarto ni Cristina ay kaagad niyang inabot ang seradura habang buhat-buhat pa rin si Cristina. Naabot naman niya ito subalit habang pinipihit niya ang seradura ay iniangat naman niya nang bahagya ang ulo ni Cristina at muling hinalikan ang labi nito. Nabuksan na ni