Geron ang kwarto ni Cristina. Pabirong nagbuga siya ng hangin habang nakatitig pa rin kay Cristina sa mga bisig niya. Pagkatapos ay muli siyang naglakad papunta sa kama ni Cristina. Inakyat ni Geron ang kama nito at lumuhod sa gilid nito at dahan-dahang ibinaba si Cristina. Nang makahiga na si Cristina ay kaagad itong umiba ng posisyon at nahiga rin sa tabi nito. Pagkatapos ay sinulyapan niya ito sa tabi niya. Bumaligtad kaagad ito at hinalikan ang mga labi niya, nagpaubaya naman si Cristina. Hinalikan rin nito ng buong puso si Geron. Nang sa palagay niya'y sapat na ang ginagawang paghalik niya rito ay tumigil na rin si Geron at umupo na lang sa gilid ng kama. Nanahimik siya sandali at pinagmasdan ang buong kwarto ni Cristina. 
       "Ngayon ko lang napansin ang ganda pala ng kwartong