ipinagamit ko sa iyo Cristina ano..." pahayag niya pagkatapos ay muling liningon ang nakahiga pa ring si Cristina sa malambot na kama.
"Oo nga napakaganda nga ng kwartong ito Geron," ngiti-ngiting sagot ni Cristina na tila nauunawaan ang gustong ipahawatig ni Geron rito.
"Napakaganda talaga," ulit ni Geron. "Parang gusto ko na tuloy na dito na rin matulog ngayong gabi, ano payag ka Cristina?" Pagkatapos ay pumihit si Geron at hinimas ang buhok ni Cristina habang nakahiga pa rin ito sa kama.
"Matutulog ka lang ha, maliwanag iyan," sagot nitong nakatitig sa mga mata ni Geron.
"Sayang na naman... nagkamali na naman ako ng pahayag, sigi na nga," sabi ni Geron at kaagad na muling