humiga sa tabi ni Cristina. Niyakap niya ito sandali at hinalikan sa labi. Pagkatapos ay kaagad itong kumalas at nagkunwaring nakatulog na kaagad sa tabi nito. Napailing nalang si Cristina sa ginawa ni Geron.
          "Good night Geron..." usal ni Cristina sa tabi ni Geron sa ibabaw ng malambot na kama.
          "Good night din mahal...." sagot naman ni Geron. Sinikap ni Gerong makatulog sa tabi ni Cristina at maging si Cristina ay ganoon din. Kataka-taka pero nagawa nila. Nagising na lang sila sa tawag sa kanila ni Alfred na nasa harapan nila sa loob ng kwartong iyon at masayang-masayang pinagmamasdan silang magkayakap habang nakahiga sa kama.
           "O Alfred gising ka na pala," usal ni Geron habang