sinisikap na mabuksan na ng tuluyan ang mga mata. Hindi pa rin nagigising si Cristina kaya pinagbawalan ni Geron na lakasan ni Alfred ang boses nito. Sumunod naman ito sa kanya subalit hindi pa rin nito napigilang magtanong at maniguro.
           "Papa talaga bang bati na kayo ni Tita Christine ha?" pinahinang tanong ni Alfred sa ama para hindi magising si Cristina na inaakala pa rin nitong si Christine. 
           "Oo bati na kami ng Tita Christine mo, kaya huwag ka nang mag-alala pa. Dito na talaga sa bahay natin titira ang tita mo," sagot at paniniguro ni Geron sa pinakamamahal na anak na batid niyang itinuturing ng ring ina si Cristina na pinakamamahal niya.