"Oo bati na kami ng papa mo Alfred," sabi naman ni Cristina na nagising na pala. Umupo ito sa kama at niyaya palapit rito ang bata. Niyakap kaagad nito si Alfred at ginawaran ng magaang halik sa noo nito.
            Matapos nilang makaligo at makapagbihis na tatlo ay sama-sama silang nag-almusal. Naging napakasaya ng almusal na iyon para sa kanilang tatlo. Para kay Geron ay wala ng makakapigil pa sa nadaramang kaligayahan niya na kasama si Cristina at ang pinakamamahal niya ring anak na si Alfred. Nag-aalmusal pa lang sila ay nagsimula ng isipin ni Geron ang nararapat para sa kanila ni Christine, kung ano ang dapat na naganap noon pa.