Chapter 13 

        MATAPOS makapag-almusal ng tatlo ay nagtungo sila sa may sala at naupo. Nagkatinginan sandali sina Geron at Cristina. Nagpasya na si Geron na sabihin na ang buong katotohanan kay Alfred na ang tinatawag nitong Tita Christine ay ang tunay na Cristina at ang mama nito ay siyang tunay na Christine. Maingat na kinausap ni Geron ang anak na si Alfred. Hindi iyon masyadong naunawaan ng bata subalit naging masaya pa rin ito at sa paghihimok ni Geron ay tinawag na nitong Tita Cristina ang dating Tita Christine nito. Subalit hindi na ipinilit pa ni Geron na