tawagin naman nitong Christine ang tunay nitong ina. Hinayaan niya itong kilalanin pa rin ang ina nito bilang Cristina. Nakahinga ng maluwag ang tunay na Cristina na sa araw na iyon ay wala na silang dapat pakaingatan at itago pa sa batang si Alfred. Nararamdaman ni Cristina na masaya ang bata sa piling nito at sa piling ng ama. At dahil doon ay nagpasya si Geron na ubusin ang araw na iyon sa pamamasyal kasama sina Cristina at Alfred. Tinungo nila ang kwadra at pumili ng kabayong masasakyan. Matapos umapak ni Cristina sa stirrups ay sumampa na ito sa likuran ng puting kabayo. Si Alfred naman ay binuhat ni Geron at isinakay sa isang maliit na kabayo. Nang mailipat na ni Geron ang lubid sa isa niyang katiwala para alalayan si Alfred ay siya naman ang umapak sa stirrups at sumampa sa sarili niyang puting