kabayo. Nagngigitiang nakaupo ang tatlo sa saddle ng kani-kanilang kabayo. Magkakatabing dahan-dahang pinalakad nina Geron ang mga sinasakyan nilang kabayo. At bawat madaanan nilang kapatas sa may niyugan ay masaya at magiliw na binabati silang tatlo. Magiliw na bumati rin sina Geron, Cristina, at Alfred sa kanilang mga masisipag na mga kapatas. Tinungo nila ang burol na ipinangako ni Geron na sama-sama nilang pupuntahang tatlo. At ng marating na nila ito ay kaagad nilang nilanghap ang sariwang hangin na umiihip sa itaas nito. Sama-sama nilang pinagmasdan ang kalawakan ng kanilang mga niyugan at pinyahan. Pagkatapos ay masaya silang nag-picnic at kumain ng masasarap na pagkain sa may burol. Nilaro ni Geron ang anak at hinabol ng