hinabol sa itaas ng burol. Tawa lang ng tawa si Alfred tuwing mahuhuli ito ng ama. Maging si Cristina ay sumali rin sa laro ng dalawa. Naging napakasaya ng araw na iyon para sa kanila sa ibabaw ng burol. At nang nagsimula ng dumilim ay nagpasya nang bumalik ng tatlo sa kanilang mansion. Sa pagod ay kaagad na nakatulog si Alfred sa sariling kama nito.
Lumipas pa ang ilang mga araw at buwan ay lalo pang naging maligaya sina Geron at Cristina sa piling ng isa't isa. Sinubukan pa rin ni Gimena na paghiwalayin ang dalawa subalit hindi ito nagtagumpay hanggang sa dumalang na rin ang ginagawa nitong panggulo sa kanilang dalawa. At isang araw ay napansin na lang ni Cristina at Geron na hindi na nagpapakita pa sa kanila si Gimena. Ikinatuwa ito ikinapanatag ng kalooban ni Cristina. Hindi na rin nag-