aksaya pa ng panahon si Geron. Niyaya na niyang magpakasal si Cristina. 
       "Talaga bang gusto mo akong mapangasawa ha Geron?" tanong ni Cristina matapos marinig ang proposal ni Geron habang nakaluhod siya sa harapan nito at hawak-hawak sa isang palad ang inaalay nitong mamahaling diamanteng singsing. 
        "Oo Cristina, wala na akong ibang ninanais pa sa mundong ito kundi ang mapangasawa ka at tuluyan ng maging katuwang ng buhay ko. Gusto kong ikaw na ang maging ina ni Alfred at sa magiging mga anak ko pa. Mahal na mahal kita Cristina, iyon ang una kong nadama mula ng una kitang masilayan at magpahanggang-ngayon ay iyon pa rin ang aking nadarama para sa iyo. Marry me Cristina..."