taos-pusong proposal ni Geron kay Cristina.
         "Oo Geron magpapakasal ako sa iyo," taos-pusong sagot ni Cristina sa pinakamamahal nitong si Geron. "Ikinagagalak kong maging ina ni Alfred at sa magiging mga anak nating dalawa. Minamahal kita mula pa noon at magpahanggang sa ngayon."
          Ipinikit ni Geron ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang malapit na niyang mapangasawa ang pinakamamahal niyang si Cristina. Kaagad niyang isinuot ang mamahaling singsing sa daliri nito. Hinalikan niya ang palad nito pagkatapos ay tumayo. Hinawakan niyang muli ang dalawang mga palad nito at pinagmasdan ang napakagandang mukha ni Cristina. Napapailing ng bahagya si Geron sa malabis na paghanga sa kagandahan ni Cristina.