Iniangat niya ang mga palad at sinapo ito sa magkabilang pisngi at hinalikan sa mapupula at malambot na mga labi nito. Ipinikit ni Cristina ang mga mata nito at tinanggap ng buong-buo ang mga halik ni Geron. Makalipas lang ang dalawang buwan ay nakasal na ang dalawa. Naging napakaligaya ng araw na iyon para kina Geron at Cristina. Maging ang mga matatalik nilang mga kaibigan at mga kamag-anak na dumalo sa kasal ay naging napakasaya rin para sa kanilang dalawa. Lahat ay napahanga sa angking kagandahan ni Cristina sa suot niyang napaka-eleganteng puting wedding gown. Pero ang higit na humanga sa kagandahan ni Cristina ay si Geron. Sa isang magarbong seremonya ay naikasal sina Geron at Cristina sa isang malaking simbahan. Walang pagsidlan sa kaligayan ang mga