puso nina Geron at Cristina sa wakas ay mag-asawa na sila. Sa wakas ay mag-asawa na si Geron at ang tunay na si Cristina. Matapos ang engrandeng reception nila sa isang magarang hotel ay tumuloy sila sa kanilang honeymoon sa ibang bansa. Nilibot nila ang pinakamagagandang bansa sa buong Europa. Sa araw ay kung saan-saan sila namamsyal at nagliliwaliw at sa gabi naman ay magkayakap sila buong magdamag sa pinakamamahalin at pinaka-eleganteng kwarto sa loob ng mga sikat na hotel sa bawat bansang pinupuntahan nila. Wala ng mahihiling pa si Geron. Para sa kanya ay nakamtan na niya ang kaligayahang pwedeng makuha ng isang lalaki sa mundong ito at si Cristina ay ganoon din, si Geron ang katuparan ng lahat ng kaligayahang ninais nito. Sa