"Masaya ka ba mahal ko..." tanong ni Geron habang yakap-yakap si Cristina sa kama katabi niya.
"Oo Geron napakasaya kong kasama ka," taos-pusong sagot ni Cristina sa pinakamamahal na si Geron.
Agad na naglapat ang kanilang mga labi at niyakap ang isa't isa. Dinama ni Cristina ang pagmamahal ni Geron at dinama rin ni Geron ang pagmamahal ni Cristina para sa kanya.
Makalipas pa ng isang buwan ay nagpasya ng umuwi at bumalik ng Pilipinas ng dalawa para muling makapiling ang naghihintay sa kanilang pagbabalik na si Alfred.