Chapter 14
NAGING napaksaya ng buhay mag-asawa ni Geron at Cristina. Maging si Alfred ay naging napakasaya rin para sa ama nito at para sa sarili dahil pinatunayan ni Cristina na isa siyang mabuting ina para rito. Mama Cristina na ang tawag ni Alfred rito, kaparehas ng tawag nito sa yumao nitong ina. Paminsan-minsan ay magkakasamang dinadalaw ng tatlo ng puntod nito at nag-aalay ng mga panalangin para rito. Lumipas pa ang ilang buwan at mag-iisang taon ng kasal sina Geron at Cristina. Kaya nagpasya si Geron na dalhin si Cristina, ang tunay na si Cristina sa bahay-bakasyunan niya sa loob ng isang napakagandang isla. Sa isla kung saan dinala niya ang tunay na Christine para sa sariling anibersaryo ng